Grand Lodge Centennial Hymn

GRAN LOHIA, MABUHAY KA!

Titik at Musika: VW Magdangal M. De Leon

Choir: Philippine Madrigal Singers

 

Mula sa silangan

Ang liwanag nating tanglaw

Dakilang kapatiran

Binigkis ng kabayanihan

Sa puso't budhi naghahari

Dalisay na mithi

Bawa't kilos at salita

Ay gintong halimbawa

 

Koro:

 

Gran Lohia ng Pilipinas

Sagisag ng dunong at lakas

Pagdamay sa ating kapwa

Pasasalamat sa Lumikha

Bandila'y iwagayway

Bayan natin ay itanghal

Tayo na't magbuklod

maglingkod nang taos

Gran Lohia, mabuhay ka

 

(Ulitin ag Koro)

 

Tayo na't magbuklod

Maglingkod ng taos

Gran Lohia, mabuhay ka

 

http://www.youtube.com/watch?v=BNhXSnrrE-o&feature=em-share_video_user

Write a comment

Comments: 1
  • #1

    sex tel (Wednesday, 18 January 2017 11:01)

    długoszyjego